actually, hindi siya isang karanasan na magugulat ka na lamang bigla. somewhere in the back of your mind, alam mong one time or another, makikita mo siya, pwedeng for 3 seconds lang o di kaya ay rumarampa sa harap ng mata mo. pero alam mong there's a possibility and you look forward to it.
so ngayon... wala na... wala na.
alam mo, kahit anong gawin mo, darating iyong panahon na mapapagtanto mong ang daming oras nang nasayang sa pagpaplano at pagbibigay oras sa mga bagay na hindi naman nagpapasaya sa iyo. parang ngayon, isang buwan na lamang at magtatapos na ang unang semestre ng aking ikaapat na taon sa kolehiyo. siyempre, marami pang tatahakin... gaya ng... deadline ng dropping bukas. (itutuloy ko ba ang math?) pero kung hindi dahil sa sinabi ng orgmate ko nung miyerkules, hindi ko maiisip na ang dami kong nasayang na oras sa paggawa ng mga excuses, mga alibi na hindi naman natutuloy. ayan tuloy, nilipasan na ako ng panahon, panahong hindi na maiibabalik. at siyempre, katulad ng parating nangyayari, nagsisisi ka sa huli. kung sana'y naging mas mabuti akong estudyante dati, e di sana nakapagbigay ako ng oras. kung sana'y maayos ang prayoridad sa buhay, e di sana walanag naiiwan.
No comments:
Post a Comment