Showing posts with label back in the day. Show all posts
Showing posts with label back in the day. Show all posts

Wednesday, February 25, 2009

halaw

seeing "compromise" on a positive light

"Early on, from my father, I learned the necessity of compromise, which to me has never been a bad word. It makes things happen, it makes things possible. It is, in its own way, an art, a working of one's attitude and skill on the material and situation at hand. We often look at our heroes as those who never compromised their principles, and that's admirable, but not all principles are created equal. Some involve the survival of the nation, others merely the survival of the self, which is important enough on most days, especially if the survival of others depends on you."

- Sir Butch Dalisay, For Love and Living

++

opening theme song ng cartoon sa ABS dati na Julio at Julia
di ko ata nasubaybayan ito hanggang sa katapusan ng kwento dahil hindi ko alam na nagkatuluyan pala ang kambal na ito. pinag-uusapan kasi namin (maida, betang, jown at ako) sa lab ito kanina at na-curious tuloy ako sa kinalabasan ng kuwento kaya napa-research ako. nakakita ako ng lyrics, pati audio stream nung mismong opening song.

kapag umikot na ang mundo
IIkot din ang buhay ng tao
May saya at mayroong dusa
Sa mithiing pakikibaka (?)

kapag umikot na ang buwan
bago pa sumikat ang araw
bagong pag-asa'y matatanaw
tadhana na ang syang pupukaw

si julio at julia
kambal ng tadhana
di susuko
sa pagsubok


"Handa Ka na ba, Julio?"
"Oo, Julia"

http://www.esnips.com/doc/0b16acd5-bad6-49d9-855a-51fab95763dc/Julio-at-Julia,-Kambal-ng-Tadhana - for the song stream
http://peyups.com/posts.khtml?mode=viewtopic&topic=24627&forum=21/t_blank - the peyups.com thread

++

newly-discovered song by Alanis
alam mo naman me, hindi ko nagugustuhan ang mga kanta dahil sa lyrics kundi dahil sa kabuuang tunog. madalas late ko nang malalaman na higit sa magandang tunog ng kanta, maganda o may kabuluhan din pala ang sinasabi nito


Lyrics | Alanis Morissette lyrics - Forgiven lyrics

We all had delusions in our head
We all had our minds made up for us
We had to believe in something
So we did

Monday, February 02, 2009

pagbabalik sa...

Habang sinusulat ko ito ay tumutugtog ang isang kantang nagbabalik ng alaala ng pagkabata ko. Pamilyar ka rin ba sa mga linyangTeenage mutant ninja turtles

Teenage mutant ninja turtles
Teenage mutant ninja turtles
Teenage mutant ninja turtles
Heroes in a half-shell
Turtle power

They’re the world’s most fearsome fighting teens
(Hey get a grip)
When the evil Schredder attacks
These turtle boys don’t cut no slack

Splinter taught them to be ninja teens (He’s a radical rat)
Leonardo needs Donatello’s dust machine (Not so fast)
Rafael is cool but crude (Get a break)
Michelangelo is a party dude


Ewan ko kung tama ang pagkakasulat ko sa lyrics. Kapansin-pansin na ang pangalan ng apat na bida ay hango sa mga sikat na Italyano sa larangan ng sining. Ano kaya ang dahilan kung bakit ito ang piniling pangalan ng mga bida? Di ko naman alam kung san nabase ang pangalan ni Master Splinter. Ang kano naman ng dating ng pangalan ni April O’Neal. Pero ang cool ng concept ‘no? Mga pagong na ninja, pawang mga estudyante ng isang astig na daga. Tapos may kalabang mala-Darth Vader ang itsura (ayon sa naka-store na imahe ni Schredder sa memory bank ko. Tapos sina Bebop at Rocksteddy ay reptilian ang itsura, tama ba? Mga apat na taong gulang ako nung nanonood ako. Hindi ko alam kung bakit ako nagsimulang manood nito? Siguro dahil dun sa isang pinsan kong lalake na ka-edad ko rin. Hindi ko naman talaga naiintindihan pa iyong mga pangyayari sa palabas noon. Nung medyo lumaon na, tsaka siguro ako natutong sumunod sa dialogue. Pero simula pa lamang, alam kong salot ng lipunan si Schredder at saviors of the day sina Michelangelo, Rafael, Donatello, Leonardo at si Master Splinter. Wala na nga akong maalalang episode nito ngayon. Dahil lamang sa pagkopya ko sa kantang ito sa hard drive ng isang tao, ayan tuloy napahanap ako ng video nito sa youtube. Balak ko kasing manood ng isang episode nito. Pero pinanood ko na lang iyong video ng opening song. Paborito ko iyong expression ni Michelangelo pagkatapos kantahin iyong linyang “Michelangelo is a party dude” tapos nagpapa-slide siya sa floor na may imahe ng mga pizza slices on his turtle shell. Isa pa palang pruwebang Italyano sila ay mahilig sila sa pizza. O di ba? Nakaka-miss talaga ‘to.