Kapag nagsimula nang ipatugtog ang mga kanta ng Eheads sa Winamp, tiyak tuluy-tuloy na Eheads goodness na ang mapapakinggan ko. Magkakasunud-sunod kasi ang mga kanta nila dito sa Winamp playlist ng PC. At kapag nakarinig na ko ng isang awit nila, di ko na mapigilan ang sarili kong pakinggan ang mga iba pa.
Isa sa mga napakagaling na gawa nila ay ang Balibayan Box mula sa Sticker Happy. Intro pa lang -- s**t! Namamalas mo na ang pagkahenyo ng bandang ito. Hindi naman silang lahat ang gumagawa ng bawat parte ng isang kanta. Merong sumusulat, tapos ung mga iba't-ibang elemento ng musika ay nakatoka na. Pero tinuturing ko pa ring gawa ito ng buong banda dahil ang kolektiba nilang gawain ang nagbigay-buhay sa mga kantang napapaloob sa kanilang mga albums.
Di ako pamilyar sa kantang ito dati dahil hindi ata siya inirelease sa mga istasyon ng radyo. Nung makabili lang ako ng kopya ng nasabing album (na naka-cassette pa, sa AliMall ko ata ito nahanap) ca 2005 tsaka ko unang napakinggan ang awit na 'to. Simpleng melodiya, simpleng lyrics, kaya di ko masyadong nagustuhan nung una. Pero makailang kinig lang at masasabi kong isa 'to sa mga nagpapamalas ng kagalingan ng banda (ang isa pa ay Torpedo). Hindi ko pa nabubusisi ang lahat ng kanilang mga kanta dahil di ako mahilig makinig sa lyrics, kaya pagpasensiyahan na ang opinyon ko sa kantang ito.
The opening riffs of Balikbayan Box tugs at my heartstrings (bilang di ko siya maisalin sa Pilipino), kagaya ng iba pang mga bagay na nagpapaalala sa akin ng aking pagiging Pilipino. Ang balikbayan box ay isa sa mga gawaing Pinoy, at sa panimulang iyon ay dama ko ang pagnanasa ng mga nasa ibang bayan na bumalik na sa sariling bansa.
Puno ng tuwa't galak / Ang aking balikbayan box... Narito lahat ang masayang gunita ng malayong pamilya at ang pangarap na sinisikap na matupad sa pagpunta sa ibang bayan.
Umuwi na tayo / Umuwi na tayo, hey, hey, hey / Umuwi na tayo / Dahil wala ng sense ang ating mundo... Iba man ang gamit ng mga linyang ito sa kanta, di pa rin maikakaila na sa pangungulila sa tahanan, ang mga salitang iyon ang higit na nagpapahiwatig ng saloobin ng mga Pinoy na nasa ibang bansa.
May pagpapahiwatig ng pagod, pag-asa at pagmamahal ang boses ni Ely sa kantang ito. Napapaiyak ako.
Ang larawang ginamit ay galing sa archives ni Levan.
Ang larawang ginamit ay galing sa archives ni Levan.
No comments:
Post a Comment