- laman ng SMS ko kay Daddy nung isang gabi dahil maghahapunan na ay wala pa siya
The next day, I was muttering some lines using old English-speak. From there, I got the inspiration to write my Meet fuNky_souL piece for the Peyups Webring. Pero di pa nagma-materialize. Kagabi, sinubukan kong basahin ang A Midsummer Night's Dream dahil iyon lang ang libro ni Shakespeare na meron dito (pagmamay-ari ng kapatid kong si Karen) pero wala pa ring kinahinatnan. Kelangan ko ng iba pa. In the meantime, maghihintay muna ang intro piece na iyon.
These days, madalas facebook ang inaatupag ko sa net. Naka-ilang applications na rin ako, at siyempre, dahil madalas ay masugid ako sa mga sinisimulan kong gawain, tinutuloy ko pa rin ang pagsubaybay sa lahat ng iyon, although di na kasing-sugid ng dati. Iba na ang naaadik sa mga bagay na sa huli ay wala rin namang patutunguhan.
Sa ngayon, palipat-lipat ako sa pagbabasa ng Smoke and Mirrors ni Neil Gaiman, Gerilya ni Norman Wilwayco at Catch-22 ni Joseph Heller, depende sa mood. Minsan, di ko masakyan iyong ibang mga kwento ni G. Gaiman. Iba-iba talaga ang mundong ginagalawan ng mga tauhan niya. Pero interesante ang mga pinapakitang pangyayari dun. Hindi ko lang masabi na I love those stories as much as I loved Neverwhere or all 10 issues of Sandman.
Siyempre, di maiwasan ang tumaba nang todo. Ilang beses ko nang binalak na mag-jogging o di kaya'y magpractice kasama ng soccer ball ko somewhere malapit sa aming bahay, kaso di pa nagkakatotoo iyon. Bukas sana nang umaga. Siyempre, wala naman kasing ibang magawa dito sa bahay kundi maupo, kumain, magluto ng iba pang makakain, mag-net, matulog, kaya di talaga maiwasan ang paglobo.
Kagabi, dahil di ko napanood ung original telecast nung Lunes, ay pinanood ako ang dalawang huling episodes ng Season 5 ng pinakamamahal kong House. Di ko alam na dalawang palabas na kaagad ang makikita ko, dahil madalas naman ay isang episode lang ang pinapakita sa AXN. Pero ayun... Medyo malubha na nga ang mga nararamdaman (as in sensing, not feeling) ni House kaya't medyo nagpakawala rin ako ng ilang luha habang pinapanood ang huling eksena kung saan iniwan na ni Dr. Greg ang ilang personal effects niya kay Dr. Wilson at tuluy-tuloy na siyang dumeretso sa psychiatry hospital kung saan siya mamamalagi muna. Preview ng Season 06 ay dun na sa pscyh hospital (with a cool soundtrack to boot: Elbow's Grounds for Divorce sa ep02 preview na makikita sa YouTube). Pero ayun, parang diba, dati nasa pedestal siya, kahit na mali siya, nai-aassert pa rin niya ang gusto niya, ang mga ideas niya. In a way, medyo invincible siya. Tapos kung anong nangyari (dahil hindi ko pa napapanood nang buo ang seasons 3,4 & 5 nang buo), bigla niyang nakikita at nakakausap ang patay nang si Amber. Humantong sa punto na hinallucinate lamang niya sa nangyari nang isang buong gabi. Nakakatakot at, hindi ko alam kung pano sabihin, parang naging helpless na lang siya sa mga pangyayari. Nakakatakot na mula sa isang state na in-control ka, biglang hindi mo na kayang i-control ito. Ni hindi mo na nga rin alam kung alin ang totoo o hindi. Kasabay nang medyo malagim na pangyayaring ito ay ang pagpapakasal nina Chase at Cameron, finally pagkatapos ng makailang balakid sa kanilang pagpapakasal. Mas madalas nitong season 5, parang parati na lang nakasimangot si Chase. Mas madalas kong makitang pumihit ang mga dulo ng labi niya paibaba (epekto ni Cameron at ng kanilang relasyon?) Mas nagkaroon na rin ang bulk ang katawan niya, mas mahaba ang buhok at usually ay may beard, kaya di na siya iyong hot na Chase na naging crush ko sa simula.
Sinimulan ko ring basahin ang graphic novel edition ng Neverwhere ni Neil Gaiman (ang Neverwhere ang paborito ko sa mga libro niyang nabasa ko na - ang mga di ko pa lang nababasa ay Blueberry at Fragile Things. Ay! At ang The Graveyard Book dahil hindi ko pa pala ito natatapos - pero astig 'to kaya go Read!). Medyo iba ung imahe dun sa pagkaka-imagine ko habang binabasa ko iyong libro. Pwedeng di ko talaga naintindihan nang mabuti ang mga paglalarawan ni G. Gaiman habang binabasa ko iyong libro niya. Pwede ring binago na rin mismo ng writer at ng mga illustrators ang vision nila sa libro. Mas voluptuous na si Door. I imagined dati na medyo payat (close to malnourished na payat pero hindi pa malnourished) sina Door at Richard Mayhew, tapos mas makulay ang kasuotan ng Marquis de Sade. Pero di naman ganun kalaking problema iyon sa graphic novel. Ayos naman siya sa 'kin. Handa na kong ma-amaze at makapag-imagine uli. Kakaibang mundo na naman ang mapupuntahan ko. Excited na kong ituloy ang pagbabasa :)
No comments:
Post a Comment