kahapon, nakapanood ako ng film sa up cine adarna, mississippi masala ung title, na kasama si denzel washington. hindi naman gaanong nakakaapekto so wala na akong ibang sasabihin dito..
pagkatapos nun, nagpunta ako ng sm north. pakay ko talaga ay bumili ng pinakabagong album ng radioactive sago project na urban gulaman. nagawa ko naman iyon, at pag-alis ko ng tower, may bitbit na rin akong kind of blue ni miles davis. napakinggan ko na silang pareho at ang galing talaga. iyon nga lang, ang aking urban gulaman ay may kaunting sira. hindi natatapos patugtugin ang track 8 at ang track 9 naman ay hindi napapatugtog.
tapos mula kagabi hanggang kaninang mga alas-tres, binasa ko ang isang nobela ni jude deveraux na ang pamagat ay the summerhouse. unang beses ko pa lang nakabasa ng nobela niya dahil pag mga romansa, madalas pare-pareho na ang mga kwento. at ganun din naman sa kanya. iyon nga lang, iyong sa kanya ay medyo merong may twist. nakabalik kasi sa kasaysayan (di ako makaisip ng mas mabuting salita kaysa dito sa ngayon e) ng tatlong linggo at pagkatapos nun, pwede nilang mabago ang buhay nila kung tatanggapin nila ang mga pagbabago. tatlong babaeng magkuwa-kuwarenta pala ang mga pangunahing tauhan dun. hindi rin pala ako ang may-ari ng librong iyon. iyon ay sa roommate kong si mars, na kasalukuyang nasa laguna ngayon. kaya walang nangyari sa buong araw ko. hanggang alas tres ako nakaupo lang sa kama at nakikinig sa sari-saring musika. tapos mga alas-sais lang ako lumabas ng bahay para mag-net dahil isang linggo na rin akong hindi nakapasok sa mga computer centers dito sa up.
may isang linggo pa akong mamalagi dito sa up diliman bago ako bumalik sa aking probinsya para sa taunang pagdiriwang ng pasko. ngunit hanggang sa ngayon, hindi ko pa rin nadarama ang nakasanayan nang taguriang "christmas spirit". bakit kaya? tumatanda na ba ako?
kakaunti na rin ang load ng cellphone ko. hindi ito aabot hanggang sa ika-31 ng disyembre kung magtetext lang ako nang magtetext kaya hanggang ngayon, hindi pa rin ako nakakapag-forward ng mga quotes. puro mga importanteng bagay lang ang tinutugunan ko.
nung biyernes pala, nakapag-inuman ko kasama ng mga orgmates ko sa MC. ang saya. noon lang ako nakapunta sa Oye's na malapit lang dun sa pinagdausan ng FR ng batch namin. naka-isa't kalahating beer ako kasi hindi ko na kaya. hindi ko naman talaga gusto ang lasa ng beer. pero masaya dahil ang lahat ay masaya. may tumutugtog at nagkakaroon ng choral singing. hanep nga dahil tatlong beses namin kinanta ang katang hello digital world ng makopa. astig!
para sa linggong ito, hanggang dito na lang muna. may klase pa ako bukas at medyo malalim na ang gabi.
No comments:
Post a Comment