I love neat black sign pen prints on somewhat yellowish paper, like this image here:
This is a page from my diary. I just finished taking a bath, and I remembered two dreams I had which I wanted to record in writing, whether in my blog or in my diary. Then I saw the (pseudo-) sign pen my sister bought. And I remembered how I wanted to use it to write. And I remembered my diary and found it underneath the other stuffs on my bed. The last time I wrote here was more than a month ago. Inspired by the color and feel of the pages and the pen in my hand, I started to write. This is an excerpt of what was written.
Isa sa mga magagandang pakiramdam na nagkaroon ako lately (mga days ago lang) ay iyong kaalamang merong isang taong iniisip ka parati at ang kapakanan mo, maging sa short-term lang (as in 1 minute from now) o long-term. Ewan ko kung bakit ako nagkaroon ng ganoong panaginip. Parang estudyante pa nga ata ang moda ko nun. O hindi. Hindi ko na maalala lahat ng sirkumtansya. Basta merong lalaking mas bata nang bahagya sa akin. Meron siyang kaibigang babae na nagdadalawang-isip sa akin. At meron din siyang form na kailangan niyang punan. Mukhang adult/real world stuff iyong form na iyon. At dahil OC ako at di niya ako pinigilan, ako ang naglalagay ng mga impormasyong kailangan sa nasabing form.
Nakaupo ako sa mesa at isinusulat ang mga impormasyong galing sa bibig ng kausap ko na nakaupo sa tapat ko, sa kabilang side ng mala-parisukat na mesa. At habang nagsusulat ako, dun ko naramdaman ang isang emosyong ang sarap nga namang balik-baliakn, ulit-ulitin, hanap-hanapin. Bakas ko sa kangyang mga mata na ako ang parating laman ng isip niya. Pano ba ko sasaya, anong gagawin namin pag magkasama kami. Iba talaga kung magmahal ang isang tao. At hindi pa kami nun. Parang nung simula ay kebs ako sa mga ginagawa niya. Go lang siya kung gusto niya. Tapos nung napatunayan ko ang ganda ng puso niya, ayun na iyong parang napaisip na rin ako kung ano nga ba ang halaga niya sa akin. Pero siyempre bilang panaginip, nagigising ka na lang nang di mo alam kung bakit. At hindi ko natunghayan ang isang pagwawakas na angkop sa maikling kwentong ito.
3 comments:
What does O hindi mean here?
Just wondering if its something to do with Hindi language.
Just passed by, a visitor, stranger. Nice work, hope you achieve what you aiming for.
Hey there.
The italicized text is in Filipino, and "O hindi" there is a literal translation of the English "Or not."
Thanks for the interest :)
Post a Comment