Matagal na kong gumagamit ng blog (eto nga ang kauna-unahang blog ko), nung panahong di pa sikat ito, at ang ideya nito, pati ang site, ay nakuha ko lamang sa mga Pilipinang manunulat ng fanfiction na binabasa ko dati. Pero bago pa nun, sanay na ko sa internet at nawiwili na rin sa mga bagay na kung susumahin ay pampalipas- o pampaubos-oras lamang. Pero di maikakaila na malaki ang tulong ng internet, lalo na ngayon (hello, kahit sino ka man, may boses ka na, basta magkaroon ka lang ng blog, twitter, tumblr o facebook :D Okay, balik tayo sa punto ko).
Ngayon papakilala ko sa inyo si Mica. Mas bata siya sa akin ng isang taon at schoolmate ko nung highschool. Feeling ko nung unang beses ko siyang nakilala, ginagamit na rin niya ang net. Uso pa ang Yahoo Geocities dati, at sa pagkakatanda ko, meron na siyang site dun. Ngayon, may sarili na siyang domain (na hindi naman na nakabibigla ngayon, pero kasi ngayon lang uli ako na-expose nang bonggang-bongga muli sa net kaya surprising sa 'kin na ganito ang state ng mundo ngayon). Puntahan niyo na dali sa www.micamyx.com!
At ngayon, malaki-laki na rin ang marka niya sa mundo ng blogging sa Pinas para maging finalist sa National Bloggers Choice Category ng Philippine Blog Awards. I-explore na ang mundo ni Mica at iboto na rin siya.
No comments:
Post a Comment