Thursday, September 06, 2007

an afternoon with joyce bernal

Kabababayan ko pala si Bb. Joyce Bernal, ang direktor ng ilang mga romance movies ng Star Cinema at kasalukuyang nagdidirek ng Pinoy version ng Marimar (ngayon ko lang nalaman na may ganito na pala). Kaso mejo na-starstruck ako nung huli kaya di nalang ako nagpakuha ng picture kasama siya. Naisip ko tuloy pagkatapos na dapat nagpakuha na lang ako tapos tatanungin ko siya kung sang bayan o siyudad siya dun. Curious lang naman.

cinemasters and joyce bernal looking the other way

First time kong makakita ng direktor na may mga proyekto sa mainstream audience. Iyong dati kasing napuntahan kong directing workshop, medyo indie ang kiling nila. Dalawa lang naman sila. Si Sir Khavn at si Sir Quark na pansamantalang nag-mainstream rin (siya ang nag-direk ng Keka at sumulat ng Gamitan). Iyong tema ng mga pelikula ni Sir Khavn ay hindi iyong mga aasahan mong makikita sa SM Cinemas o kung saan pang movie theater dito sa Pilipinas. Ang napanood ko palang sa gawa ni Sir Quark ay ang short film niyang A Date with Jao Mapa – tungkol sa isang deranged fanatic nung 90’s actor na nabanggit.

Meron na akong pseudo-impression tungkol kay Bb. Joyce sa pagbasa ko ng entry ni Tonet Jadaone tungkol sa karanasan niya bilang parte ng crew ng last movie ni Piolo na dinirek ni Bb. Joyce. Hindi ko maalala iyong pamagat o kung sino iyong leading lady basta ung latest movie niya.

Ang galing kasi ang daming insights na inoffer si Joyce Bernal (tatanggalin ko na po ang Bb. sa simula dahil hassle sa pag-type… pasensya). Halos iyong buong proseso ng pagdidirek ng isang pelikula ay na-cover niya. At dahil may karanasan siya sa mainstream o big-budget movie companies, marami siyang naimulat tungkol sa mga pangyayari sa mga ganitong klaseng proyekto. Well, sa akin lang ‘to bilang frustrated film major/filmmaker. Inemphasize niya na sa experience nanggaling ang mga pwede mong sabihin sa isang pelikula. Mahalaga ito dahil kung parati ka nalang spectator sa mga pangyayari sa paligid mo, ganito mo rin ipapakita ang eksenang hawig nito sa pelikula. Ang gamit nga niyang ehemplo ay ang isang nagtra-travel hanggang Pasay. Meron sumasakay sa MRT North EDSA station, merong naka-kotseng hindi naka-aircon at meron ding naka-kotse ng may aircon. Iba-iba ang pagtingin nila sa paligid, iba ang karanasan pag bigla silang pumunta sa Pasay sakay sa hindi nila nakasanayang moda ng transportasyon. At ikaw, bilang direktor, may bearing iyon sa mga shots (if ever may suggestions ka sa shots at hindi lang iyong cinematographer, kung meron man, ang nasusunod) na gagawin mo. Kung POV ba ng nasa MRT ang gagawin mong pagkuha sa mga aktor na nakasakay sa loob ng kotse, o sa puro OTS shots ng mga aktor sa loob ng kotse.

Isa pang importanteng bagay ay ang pagmamahal sa proyekto mo. Hindi naman lahat ng direktor sa Pilipinas ay magagawa ang kanilang “dream film” (sabi nga ni Joyce ay dream na lang talaga iyong sa kanya without specifying kung ano o tungkol saan ito). At buti kay Joyce, naging trabaho niya talaga ang pinag-aralan niya. Kahit ano man ang idirek mo, iba pa rin iyong may pangalan ka na sa industriya. Kaya kahit tingin mo hindi ganun ang kagandahan ng konsepto, basta mamahalin mo iyong proyektong iyan, may makikita ka pa ring maganda rito na magsisilbing inspirasyon mo. Kailangan rin naiintindihan mo ang mga ka-trabaho mo, lalo na ang mga artista kung wala silang paghuhugutan ng emosyon. Naku, dito medyo la kong K. Di naman kasi ako masyadong kumakabit sa mg emosyon ng lungkot o pagkawala o failure dahil iniisip ko lang sila nang sandali pagkatapos ay isasantabi ko na dahil alam kong kailangan nilang dumaan at pagkalaon ay lilipas din. Shinare niya iyong experience niya working with Onemig sa first movie niya. Meron siyang sort of dilemma dahil inaaya siya ni Onemig na mag-jetski para lang ma-experience niya ang pag-jetski. On the other hand, andun iyong crew at iyong set ready to shoot. Para lang mas madirek niya nang mas maayos si Onemig, sumama muna siyang mag-jetski at na-experience niya ang adrenaline rush na dulot ng jetskiing.

At kung sa artista naman, magandang iplay-up ang asset nila o good traits. Siyempre for commercial release ang mga pelikula niya, so at least iyong composition ng shots et cetera ay patok sa manonood. Dahil nariyan ang manonood hindi para sayo kundi para sa mga artista. Hindi iyong kung ano lang ang gusto mong makita ay siyang masusunod. Ano ka, e di para sayo na lang ang pelikulang iyan.
Na-engganyo talaga ako at wish ko na sana may pera at oras ako ngayon at mag-shoot lang ng mag-shoot. Marami pa talagang kwento na pwede mong sabihin. At sa bawat isang kwento, may iba’t-ibang paraan kung paano mo ito sasabihin. Nasa iyo na iyon bilang director. Tungkulin mong buuin ang kwento – dahil walang pelikula kung walang kwento. Marami kang pwedeng pagkuhanan ng ideya sa mga shots na pwede mong gawin. At ang ilaw – isang napakalakas na gamit. Pwedeng magbago ang itsura ng isang tao dahil sa ilaw. Pwede siyang magmukhang matanda o magmukhang wrinkle-free dahil sa oryentasyon ng ilaw sa isang partikular na eksena. Pwede rin tong mag-set ng mood para sa isang eksena, o para sa buong pelikula. Pwede kang abutin ng dalawang oras para sa pag-iilaw lang ng mukha ng isang artista. Nakakamangha talaga ang kapangyarihan ng ilaw. Nais kong matutunan to kahit sa photography lang muna.

Grabe, I can feel the vibe. Tara, shoot tayo.

No comments: