Monday, May 01, 2006

pagsabihan daw ang sarili...

sana umuwi na lang ako sa probinsya.

kala mo mahihigitan mo ang kahinaan ng iyong will? hindi. kung ano man, nasayang lang ang dalawang araw na malapit nang maging tatlo. mantakin mo iyon. may mahabang eksam bukas sa chem 28 tapos nakahiga ka lang habang binabasa ang iyong notes. ang takaw mo pa. e di sana nakapagpa-adjust ka na ng braces at nakapag-enjy sa bahay.

at habang sinusulat mo 'to, wala ka pa ring balak bumangon at mag-aral nang matino. iyong tipong nakaupo sa mesa at nagso-solve ng mga problems. iniisip mo pa nga kung kailan ka makakapag-net upang mai-post ito sa blog mo. ang blog mong ang dami mong gustong ayusin sa susunod na makapag-net ka.

ayan, inaantok na ang iyong mga mata dahil sa hanging pumapalibot sa iyo bagamat naiinitan ka pa rin.

feeling mo ang galing-galing mo. nagsusulat ng ganito. pinapagalitan ang sarili, ikaw, na siyang nagsusulat ng mga pangaral na ito. feeling mo ang galing mo bilang tao, bilang up student, bilang mag-aaral ng food technology. ha! tingnan na lang natin bukas, simula ala-una ng hapon hanggang alas-tres. hindi mo kilala si del mundo. hindi mo pa lubos na kilala ang konsepto ng titrimetry, gravimetric analysis, pH at concentration. ilang oras na lang ang nalalabi. gagawa ka pa ng RDR. tingnan lang talaga natin.

ang taas ng pinapangarap mo pero wala ka namang ginagawa. magbago ka at maaabot mo iyon. ikaw rin ang magsisisi. hindi na maibabalik ang nakalipas.

mainit pa rin. haay...

muntik na kong mabuhayan ng loob sa pagsulat ng "ikaw rin ang magsisisi," pero hindi siya sapat. nakahiga pa rin ako. ewan ko kung hanggang kelan.

1 comment:

Anonymous said...

hi romina, silip2x lang. ako ay napadaan dito gamit ng pag-google for sikad fc.

hmm.. la na ako ibang masabi. hehe