Monday, February 02, 2009

pagbabalik sa...

Habang sinusulat ko ito ay tumutugtog ang isang kantang nagbabalik ng alaala ng pagkabata ko. Pamilyar ka rin ba sa mga linyangTeenage mutant ninja turtles

Teenage mutant ninja turtles
Teenage mutant ninja turtles
Teenage mutant ninja turtles
Heroes in a half-shell
Turtle power

They’re the world’s most fearsome fighting teens
(Hey get a grip)
When the evil Schredder attacks
These turtle boys don’t cut no slack

Splinter taught them to be ninja teens (He’s a radical rat)
Leonardo needs Donatello’s dust machine (Not so fast)
Rafael is cool but crude (Get a break)
Michelangelo is a party dude


Ewan ko kung tama ang pagkakasulat ko sa lyrics. Kapansin-pansin na ang pangalan ng apat na bida ay hango sa mga sikat na Italyano sa larangan ng sining. Ano kaya ang dahilan kung bakit ito ang piniling pangalan ng mga bida? Di ko naman alam kung san nabase ang pangalan ni Master Splinter. Ang kano naman ng dating ng pangalan ni April O’Neal. Pero ang cool ng concept ‘no? Mga pagong na ninja, pawang mga estudyante ng isang astig na daga. Tapos may kalabang mala-Darth Vader ang itsura (ayon sa naka-store na imahe ni Schredder sa memory bank ko. Tapos sina Bebop at Rocksteddy ay reptilian ang itsura, tama ba? Mga apat na taong gulang ako nung nanonood ako. Hindi ko alam kung bakit ako nagsimulang manood nito? Siguro dahil dun sa isang pinsan kong lalake na ka-edad ko rin. Hindi ko naman talaga naiintindihan pa iyong mga pangyayari sa palabas noon. Nung medyo lumaon na, tsaka siguro ako natutong sumunod sa dialogue. Pero simula pa lamang, alam kong salot ng lipunan si Schredder at saviors of the day sina Michelangelo, Rafael, Donatello, Leonardo at si Master Splinter. Wala na nga akong maalalang episode nito ngayon. Dahil lamang sa pagkopya ko sa kantang ito sa hard drive ng isang tao, ayan tuloy napahanap ako ng video nito sa youtube. Balak ko kasing manood ng isang episode nito. Pero pinanood ko na lang iyong video ng opening song. Paborito ko iyong expression ni Michelangelo pagkatapos kantahin iyong linyang “Michelangelo is a party dude” tapos nagpapa-slide siya sa floor na may imahe ng mga pizza slices on his turtle shell. Isa pa palang pruwebang Italyano sila ay mahilig sila sa pizza. O di ba? Nakaka-miss talaga ‘to.

No comments: