futsal sa ultra kagabi. nakakabuhay maglaro muli. as in literal. parang mas nagkaroon pa ko ng hangin. parang nawalan ako ng mga taba. siyempre, mga isang linggo na rin akong di naglalaro ng football. tapos futsal pa tong nilaro ko. pagkatapos tuloy ng isang game, di na ko makahinga. may mga time pa naman na may magkasunod kaming games.
medyo wala pa ko sa mindset na gumawa ng play. pero at least, malakas naman sina kuya zig at kuya ronald. hehe. nung first game ata iyon, dala ko ung bola, tapos bigla akong bin-lock ni coach gil. ang laki pa naman ng katawan niya. wala na tuloy akong nagawa. hehe. pero masaya. iba iyong mga kalaro.
it's futsal days once again, bilang up fair na at maliit lang ang space sa sunken para kumportableng magsipaan ang lahat. kaya futsal uli sa miyerkules :D
*pasintabi sa pelikulang dias de futbol
No comments:
Post a Comment