kanina lang, LSS ako sa start of something new. of all songs, na pwede, yun pa. e ang tagal na nun. meron na ngang high school musical 3. pero wala pa kong napapanood sa mga naging sequel nung unang pelikula. pero nalalayo na ako. pa-intro lang naman kasi iyon sa totoong paksa ng post na ito. Italian Week kasi ngayon sa Departamento ng Lenggwaheng Europea sa Kolehiyo ng Arte at Literatura. Actually, marami pang ibang aktibidades ang Embahada ng Italya, hindi lang sa UP kundi saan-saan pa. Pero kahapon, nakapakinig ako ng talk tungkol sa mga nais mag-aral sa bansang Italya. Sinundan ito ng pagsasalita ng mga nakatanggap ng mga scholarships para mag-aral dun. Ayun, na-inggit tuloy ako. Sabi ko na nga, dapat EL na lang ang kinuha kong kurso. Nag-aaral na ako ng dayuhang lenggwahe, may pagkakataon pa akong magpunta at mag-aral sa ibang bansa. Kitang-kita na sentro ng buhay Italyano ang kanilang mga piazza. Outdoors ang orientation ng mga mamamayan. kung anu-ano ang mga ginagawa nila sa piazza. Bukod sa pagkain, pag-aaral, pakikipagkita, marami ring mga artists ang namamalagi sa piazza at lumilikha ng kung anong nais nila. Gusto ko ring makaranas ng ganoon. Dito kasi sa Pilipinas, kung hindi mainit ay umuulan kaya hindi namamalagi ang mga Pinoy sa mga plaza kundi sa mall.
Ang mga pananalita ay sinundan ng karaoke-singing contest. ang mga klase ng iba't-ibang Italian sections ay may mga kalahok para mag-interpret ng iba't-ibang Italian songs. iyong kaibigan kong si Joseph na kumukuha ngayon ng Italian 11 ay kasama dun sa representative ng klase niya. at ang kinanta nila ay Breaking Free sa Italian. ayun. hindi ko lang maintindihan kung bakit Start of Something New ang LSS kong kanta. Iba-ibang antas ng creativity ang pinamalas ng mga estudyante ng Italian. Marami sa mga klase ang may mga estudyanteng may talento sa pagtugtog ng mga instrumento kaya't maraming madalas ang mga estudyante ang tumutugtog at umaawit. Maliban pa rito ang mga pag-aarte o pagsasayaw na kasama sa kani-kanilang mga pagtatanghal kung kaya't waring naging MTV ang aming mga napapanood. naging patok sa audience ang bersyon ng isang klase ng Can You Feel the Love Tonight. meron pang nagmistulang Simba, Nala, Timon at Pumbaa. O diba, bongga? Gusto ko rin nito. Sayang last sem, walang ganitong pakulo ang Deutsch at Español departments last sem.
Pagkatapos nun, may Italian food fest. siyempre iyon talaga iyong ipinunta ko dun. di ko naman kasi akalain na karaoke contest iyong tatampukan ni Joseph. nag-enjoy naman ako dun. akala ko sila nga lang ang magtatanghal, pero ayos na rin at napanood ko iyong ibang mga klase. pinarangalan din ang nanalo sa diorama-making contest nila, tsaka iyong essay-writing contest ng Italian embassy ata. tapos ayun nga, may pagkain. kala ko naman todo italian food talaga. pero well, oks lang din iyong andun. may pesto, tapos may isa pang pasta with tomato sauce (nalimutan ko iyong tawag sa pasta), bread na mala-wheat pero moist(a cross between a pudding and wheat bread, ika nga ni joseph) tsaka small round pizzas. at hindi lang pang-isang kainan iyong stub, pwede pang magamit iyong kalahati. tapos may booth dun ang gourmet na merong herbal tea at coffee. so pwedeng isang meal at isang drink iyong isang stub mo.
nung araw ding iyon ko napagtanto na may punto nga ang mga Italyano na pataas sa point na pabagal iyong pagbigkas nila nung parte na iyon ng salita. totoo pala iyon. hehe. ayun, isang araw na napaka-enlightening. gusto ko rin kasing matutong mag-Italyano, pumunta sa Italya at makapgluto ng authentic pizza at pasta. ayan, dagdag pa sa listahan ko ng nais kong gawin.
No comments:
Post a Comment