kumusta na nga ba?
isang hectic na sem coming up. naririnig ko palang ang mga kailangang gawin para sa fs 135 (physico-chem analysis of foods), fs 128 (post-harvest handling/non-thermal processing) at fs 131 (sensory eval of foods) - idagdag mo pa jan ang math 54 - at napapagod na ko. masaya pa naman. pero nafi-feel ko nang nagcri-creep up ang responsibilities sa likod ko. baka dumating iyong time na pagsisihan ko lahat ng naging desisyon ko for the past few months or so.
masaya pa naman ako. may drive pa naman for life. gusto ko nang makapaglaro ng football. sayang nung wednesday, nasugatan pa kasi. lecheng damo iyon.
gusto kong magrelax muna nitong weekend. kaya lang meron nakong dalawang exam next week, parehong araw ng july 1. math 54 at fs 135 pa naman. hay, nakakabaliw.
at least ok naman si mam dumelod. daming smiles kanina. mejo happy moments pa. wala pa naman iyong time na sobrang katakot/nakakanginig to the bones. probably later as the sem progresses.
mababasa ko na sana iyong pinapabasa ni mam luna kaya lang tong lecheng pc na to, ayaw mag-install ng adobe acrobat reader. pano yan? kainis naman tong pc shop na to.. well, assurance din cia pero essential iyong program na iyon, lalo na sa mga estudyante.
hmmm... astig iyong vid ng obs na give it. di ko pa siya napapanood/naririnig ng buo dahil patigil-tigil iyong connection. here's the link: http://www.youtube.com/watch?v=TyvBL3gaMl4&search=out%20of%20body%20special
ayan, eto na lang muna. more next time. if, there is a next time.
No comments:
Post a Comment