Monday, December 12, 2005

isang komplikasyon

one more time. one last post (yehey! tapos ko na rin ang asignatura). ang tagal ko nang gustong isulat ito e. now, concentrate.... **

hindi naman bulletproof ang aking mga mata;
paglingon ko, may nakitang pamilyar na mukha.
hindi matanto kung saan nakita,
inabot nang ilang segundo bago makuha.
at sa gaanoong tagal na panahon,
nagtititigan tayo.

aba kilala pala natin ang isa't-isa.
hindi man sa pangalan, sa mukha nga lang.
hindi rin naman tayo nag-uusap dati
pero ramdam natin kapag nandiyan ang isa.

ang titigang ito - ilang beses nang nangyari.
ngayon, matapos ang ilang buwan
nagkita uli tayo.
may patutunguhan ba ito?
o hanggang titigan na lang talaga.

**

ang panget! hindi ito ang gusto ko. pero since may naisulat na, ipo-post na rin. pero hindi ko gusto iyong kinalabasan ng effort na ito. some other time uli. hindi talaga niya nakuha ang emosyon ko sa topic na iyon. basta.. it's kinda complicated. kailangan talaga may ganoon sa buhay.

No comments: