grabe, starring ka uli dito sa sinusulat ko. and after all this time, last name pa lang ang nalalaman ko tungkol sa iyo. pure luck lang talaga. kung hindi dahil sa assessment ng form5 e di wala na akong ibang alam tungkol sa iyo. ni hindi ko nga alam kung malapit ka na ring lumisan ng kolehiyo e. pero at least sa pagmamasid-masid ko, may napagtanto din ako.
last sem, nakikita lang kita tuwing miyerkules dahil may klase ako ng 1-4 at may klase kang 4-7. sa martes at biyernes naman kung kailan may klase ako sa kolehiyo e hindi naman kita nakiita. pero pag minsan, tuwing may oras o break ako ng lunes o huwebes at napapadpad ako sa lib, doon kita kahit saglit lang nasisilayan. medyo consistent yong sked na yan last sem although noong patapos na ang klase, medyo nawawala ka na. ngayong sem naman, alam kong may klase ka sa kolehiyo ng 1-2:30 kasi nakita na kitang nakatambay doon nang lunes at huwebes. lucky discovery ang pagkakatuklas kong iyon. kung hindi ako bumalik sa kolehiyo noong huwebes dahil wala akong klase ng hapong iyon (kinuha kasi ng 118 ang 1-4 ng lunes ko), malamang matatagalan pa bago ko malaman iyon. at tama nga ako, nakita nga uli kita kahapon nang hapon. siyempre may klase ako. at hindi ko naman ugaling magpapansin o kung ano. well, siguro iyong lantarang pagpapapansin o pagpapacute ay hindi ko gawain. pero nakikita mo naman ako diba? kilala mo na ako sa mukha.
hay... meron bang patutunguhan tong pag-iisip kong ito? o hanggang alaala ka na lamang na naisusulat ko? wala namang anything remarkable sa iyo to the "discerning female." ako? na-attract lang talaga ako sa iyo noong una kitang makita. hindi pa nga crush iyon noon e, kumbaga i was drawn to you, pero malapit na sa infatuation iyon. hindi ko alam kung kailan nag-evolve iyon. pero pucha, mukhang matindi pa rin ang infatuation na iyon hanggang ngayon. kelan nga ba naging matindi? noong patapos lang ata ang unang semestre. grabe ang impact mo. or at least, ang impact ng pag-iisip ko tungkol sa iyo. pinabalik mo ang period ko haha =)
sana naman magkausap tayo upang kahit papaano'y makilala kita at mahusgaan na itong pagka-infatuated ko sa iyo. astig ka nga bang tao o hindi? iyon kasi ang unang impression ko sa iyo. wala ka namang gaanong kahalubilo sa mga nilalang sa kolehiyo so wala akong ideyo kung anong klaseng tao mga trip mo. o kahit man lang mga taong pwede kong mapagtanungan ng pangalan mo. pero dahil sa fetish kong ito, ayan tuloy, hinahanap-hanap ka ng mga mata ko.
sino ka nga ba ha? para matapos na ang gulong ito.
No comments:
Post a Comment