strange lands, magical places... i'm fond of thinking about these things. i guess you can say i'm out of touch with reality. when i think about it, i do think it's true. when i'm in up, i think i live a life far from what my family has here at home. practikal dito sa bahay. parating may ginagawa. i was thoroughly disappointed when i came home because i had chicken pox. since baha dito sa amin, i was expecting my dad to fetch me with the car. pero hindi. at may sakit na ako nung time na iyon. nawala lahat nung mga iniisip kong sasabihin ko o gagawin ko pagkauwi ko nang naupo na ako sa hapag-kainan at nag-usap kami ng mommy ko. i'm a shitty dreamer. kaya siguro wala akong mas magandang rason sa kagustuhan kong manatili dito sa 'pinas other than gusto ko kasi dito.
madalas, torn ako sa gusto kong gawin at sa dapat kong gawin. praktikal na dapat kasi ang mga tao ngayon, lalo na't hindi pa rin umuusad ang ating bansa. pero gusto kong gawin iyong mga gusto ko dahil nagpapasaya sila sa akin. ang hirap talaga pag wala kang pera. sana umulan ng pera dito sa amin. kahit 10 million, ayos na. mag-iinvest sa kung anong pagkakakitaan tapos mag-eenjoy. pwede siguro akong mag-shift pagdating nung araw na iyon.
recently edited ang aking profile. na-edit ko siya nang isang araw na alam kong may dapat akong gawin pero iba ang inatupag ko. iyon ata iyong araw na depressed ako (the subject of a previous entry - hindi ako makapaniwalang nangyari iyon kapag iniisip ko siya ngayon). ewan ko kung bakit nagkaroon ako ng coherent answer sa space sa profile sa friendster para sa about me. ang tagal ko nang di nakapag-isip ng tungkol sa sarili ko. tapos biglang nagsilabasan lahat ang alam kong tungkol sa
akin pero hindi ako aware na ganun pala.
"i am usually quiet, sometimes too quiet. socializing,i find, is something that i would need to put a lot of effort into. i prefer to stay with the
crowd i know, seldom venturing to talk to other people. and even though i'm with my
crowd, I don’t talk that much."
kinakailangan ko ng extraordinary burst of energy to go out of my way and socialize. e madalas i'm in just one place with my mouth shut. kaya ayun, hindi gaanong umuusad sa social ladder. marami na kong taong napapalampas. frustrating talaga 'to. i think i'm gonna die with only a handful of people, my family included, grieving over me. most of them won't probably notice i'm gone. yehey!
"this is my blab medium."
so freaking true. dito lang talaga ako nakakapagdaldal. balak ko ngang gumawa ng memoirs ng aking buhay. matagal na kong nagsusulat ng kung anu-anong pangyayari, simula pa grade 4 nung una akong niregaluhan ng diary. hindi pa rin napupuno iyon pero ang dami ko nang nasulatang used notebooks. minsan tuluy-tuloy, tapos mawawala, tapos makakapagsulat muli. nakakainis nga at hindi naibalik nung prof ko sa cw10 iyong journals namin. cute pa naman nung notebook - bought it at papemelroti just for that purpose - at ang daming naka-record doong memories. well, at least a month of memories pero di ko na maibabalik iyong mga iyon muli.
wish ko lang binabasa ito ng maraming tao diba para makilala pa nila ako pero siyempre, only a handful do it. kaya kailangan pa rin magpakabibo sa labas ng bahay. yup, tama iyon. dito kasi sa bahay, i'm super comfortable. dito lang ata lumalabas sa bahay iyong tunay kong pagkatao. nagagalit, nadidisappoint at nasisiyahan ako dito. sa ibang lugar, i try to keep my cool, hindi naman sa short-tempered ako pero wala lang sa akin kung may atraso sa akin ang mga tao. sa boarding house, dreamer ako madalas. living in my own sugar-coated dreams, malayo sa totoong buhay. pero kung iisipin dreamer naman tayong lahat. pero that's the subject for another blog entry. hanggang dito na lang muna dahil kanina pa naka-on tong pc. at masakit na ang mata ko.
No comments:
Post a Comment