Saturday, October 08, 2005

panaginip

halos gabi-gabi ay napupunta ako kung saan-saan, nanatili doon hanggang sa magkamalay at madilat na ang aking mga mata. 6 am pa lang kasi gising na ako. iba talaga ang dulot ng nandito sa up. ilan sa mga napapanaginipan ko nowadays:

1. sumabak kami ni alessa sa isang boxing tournament. kami lang ang babae kaya kami ang naglaban. sunod na eksena, down na si alessa. ginising ko pa iyong referee na nakalatag sa daan (sa street kasi naganap iyon)tapos nagbilang siya at itinanghal akong nagwagi. tapos may pagsabog na naganap at napuksa lahat ang mga masasamang elemento. halos lahat pala ng mga andoon ay waring mga alien.

2. kanina naman, kasama doon ang kaibigan kong si ice at ilang miyembro ng up cinema. at nandoo rin iyong crush ko. at pinansin niya ko. ang saya ko tuloy nung nagising ako. pero dahil doon, hindi tuloy ako nakapag-aral kaninang umaga. siya lang kasi ang sumasagi sa isip ko. kainis talaga. nasayang tuloy oras ko.

No comments: