the day started out really gloomy. umuulan kaninang umaga. much as i would have loved to stay in bed a bit longer, there's a make-up class for me to attend at 8:30 am. those 3-day training sessions given to those who need to learn them where scrimped to two hours for us. lima lang pala kami. iba din iyong lecture room. mas spacious which wasn't the case for our assigned classroom so mas madaling lumipad ang isip. madami ka kasing pwedeng pagtingin. todo rin sa taking-notes skill namin 'to. medyo marami kasi kaya kailangan mabilis magsulat. pero ok lang. mas napagod pa rin ako nung nag-take notes kami sa food additives and processing aids.
kanina pa ako medyo feeling down. bakit? hindi ko pa kasi nakikita iyong isang taong nakita ko kahapon. shet! grabe ng imagination ko kagabi nung nakauwi na ako. ayaw ko na sanang umasa o mag-isip nang kung ano dahil hindi naman mangyayari...
masyado naman akong nangarap kahapon. ayan tuloy, ubod ang pagkalungkot ko ngayon. e sino ba siya? hindi ko nga siya kilala. dumadausdos lang sa paningin ko kung may pagkakataon. ano bang appeal niya? for sure kung tatanungin ko iyong mga kakilala ko, wala siya sa current apples of their eyes.
wenk?!? sino ba talaga siya at bakit ako fixated sa kanya? ano ba kasi itong mga tipo ko? hindi naman siguro siya habuling tao. maliit nga siya e. pero kung ano man siya, kras ko siya. ayan. nangangarap na lang ako na hindi pa siya gra-gradweyt ngayong taon para makita ko pa siya. kahapon lang naging seryoso itong pagtingin ko sa kanya dahil sa mga pangyayari na kung iisipin naman ay hindi ganoon ka-indicative ng kahit ano. well, tingin ko ganoon. ako rin lang kasi ang lumilikha ng mga pagkakalituhan ko sa buhay.
tangina, ang spontaneous ng pagta-type ko ngayon sa dlrc. ganun talaga kalala ang nararamdaman ko. normally kung wala lang, kung may ibang bagay pa kong iniisip hindi ko maisusulat ang isang entry na ganito kahaba. dapat nga gagawa ako ng paper for extra points sa panpil17. putek, mawala ka na sana sa isip ko. nade-depress tuloy ako. at mukhang ayaw ko pa ring tumigil sa pagta-type dito.
isang pagkakataon lang para masilayan siya... iyong nga ba ang kailangan ko? nahihirapan akong mag-concentrate sa iniisip kong paksa para sa gagawin kong sanaysay. kanina pa to. sana matigil na. ayaw ko nang ganito ang nararamdaman ko hanggang mamayang gabi. nais ko pa namang dumaan sa tambayan at makichika o makisalamuha sa orgmates na matagal ko nang hindi nakakasama.
matapos na sana tong obsession na 'to para wala na kong pinapangarap. hilig kasing managinip ng gising e.
No comments:
Post a Comment